Reve’s POV “Miss Forteza, wala ka bang ginagawa ngayon?” ang boses ni Mr. Hernandez ang siyang unang bumungad sa aking tainga. Mula sa pagharap sa monitor ay mabilis ko ring binaling ang aking atensyon sa kaniya na nasa bandang pintuan pa nitong opisina. “Mayroon naman po sir, pero ano po iyon?” tanong ko sa kaniya. Sa eksrpesyon ng kaniyang mukha ay halatang may iuutos na naman siya sa akin. “Gusto ko sanang ikaw na muna ang pupunta sa meeting mamaya with the head. May importante akong lakad mamaya saka hindi rin available ang secretary ko dahil may meeting rin sa kabilang department. Agad—agad kasi silang nagpatawag kaya hindi ko naiayos ang schedule for meeting ko.” sambit nito sa akin. Ngayon pa lang ay napalunok na ako ng sarili kong laway. “P-po? Eh, p—paano po iyon? Lalo pa at