ALAS-OTSO na ng umaga nagising si Rachell. Sumilip kaagad siya sa bintana na nakatapat sa garahe. Naroon pa ang kotse, ibig sabihin hindi umalis si Zardum? Pagkatapos niyang maghilamos ay bumaba kaagad siya at nagtungo sa kusina pero wala roon si Zardum. May nakahain nang almusal sa mesa. Wala naman sa laundry room si Zardum nang tingnan niya. Nang hindi niya ito makita sa kabahayan ay lumabas siya. Dinala siya ng mga paa niya sa likod ng bahay kung saan may mini swimming pool. Namataan niya si Zardum na lumulutang sa tubig, habang suot lamang ay puting brief. Naingganyo siyang samahan ito kaya naghubad din siya ng damit. Ternong itim na underwear lang ang inilabi niya sa kasuotan. Dahan-dahan siyang lumusong sa tubig at lumangoy patungo kay Zardum. Hindi man lang ito na-distract kahit a