MULING hinimatay si Rachell nang mabalitaang nadisgrasya si Renzo. Nang magising siya ay nagpumilit siyang bumangon upang matingnan ang kalagayan ng kanyang asawa. Subalit hindi siya pinayagan ng kanyang ina. Nasa emergency pa raw ang kanyang asawa. “Gusto kong makita si Renzo, Ma!” pilit niya. Hilam na sa luha ang kanyang mga mata. “Hindi ka pa puwedeng tumayo, anak! Tinawagan ko na ang stepmother ni Renzo para tulungan tayo,” anang kanyang ina. Humagulhol siya. “Bakit ba nangyayari sa akin ito, Ma?” lumuluhang tanong niya. Niyakap siya ng kanyang ina. “Tama na, magpahinga ka muna.” Mayamaya lamang ay dumating si Esmeralda subalit dala nito ang mas masaklap na balita. “Wala na si Renzo,” humahagulhol nitong sabi. Natulala si Rachell at pansamantalang nablanko ang isip niya. Nang mah