SINADYA ni Rachell na tumambay sa opisina hanggang sa mag-uwian na ang mga empleyado. Nanunuod lang siya ng TV sa lobby. Mamaya’y lumabas na si Renzo. Halatang nagulat ito nang makita siya roon. “Hindi ka umuwi?” manghang gagad nito. Tumayo naman siya. “Ah, hindi. Wala naman kasi sa bahay sila Mama at Papa kaya hindi ako natuloy roon. Naiinip na kasi ako sa bahay,” naiilang na sabi niya. Dahilan lang niya na wala ang mga magulang niya pero talagang hindi siya umalis doon. “Umuwi ka na,” anito. “Ha? Ah, eh ikaw, hindi ka pa ba uuwi?” “May pupuntahan pa ako,” anito saka siya tinalikuran. May kung anong tumutusok-tusok na naman sa puso niya. Pinatay na lamang niya ang TV saka binitbit ang gamit niya. May security naman na naka-duty roon sa kumpanya kaya lumabas siya na hindi isinara ang