KINIKILABUTAN si Rachell sa mga pinagsasabi ni Renzo. Isa pa itong Tristan na ito na malakas din ang loob mambuwisit. Baka biglang sapian ng diablo ang asawa niya dahil dito. Mabuti na lang tumigil na si Trista. Tumayo na ito at nagpaalam sa kanila. “Hihintayin ko na lang ang kontrata,” sabi lang nito saka nagmamadaling lumabas. Nagulat si Rachell nang ibigay sa kanya ni Renzo ang tseke. “Bakit sa akin mo binibigay?” takang tanong niya. “Ikaw na ang bahala gumastos niyan,” sabi nito. “Ha? Idedeposito pa ito sa bank account mo,” aniya. “Ikaw na magdeposito.” “S-Sige.” Tinanggap na lamang niya ang tseke. “Mayabang pala ang lalaking iyon. Paano mo pala siya nakilala?” pagkuwa’y usisa ni Renzo. “Ahm, school mate ko siya noong college.” “Siguro kasintahan mo siya noon, ano? Nababasa ko