Chapter fifty KAE'S POV'S Tatlong araw na ang nakalipas simula nang makipaghiwalay ako kay Elis. Tatlong araw na walang communication, o kahit anong balita tungkol sa kanya. Kahit papaano ay unti unti nang gumagaan ang loob ko sa mga nangyare, ang bigat sa pakiramdam ang ganung pangyayari sa buhay, yung makakasakit ka ng taong wala namang kasalanan. Alam ko ang tingin ng iba sa akin ay manloloko, taksil sa asawa, walang kwenta, manggagamit, at kung ano ano pa. Pero hindi ko naman sinasadya na masaktan si Elis, sa mata ng lahat at sa papel asawa ko parin talaga sya,pero sa puso ko, si Jairus talaga ang gusto kong makasama. Maayos naman kami ni Jairus ngayon, sila mama at kuya naman, umuwi na sa dati naming bahay, malayo yun dito, pero araw araw ko naman silang tinatawagan at kinakamu