Chapter fifty two KAE'S POV'S Hanggang sa pag uwi tahimik kaming dalawa. Yun bang parang pagod na pagod kaya hindi makapagsalita Pero ang dahilan ng pananahimik namin ay dahil sa papa niya, bakit ba sya bumalik dito? at bakit bigla bigla na lang sya nagpapakita?paano niya nalaman ang pangalan ng anak ko? Ang daming katanungan sa isipan ko Sigurado, matagal na niya kaming minamanmanan. Nakaupo kaming pareho ni Jairus dito sa may sofa, habang anak namin, masayang naglalaro ng mga toys niya sa sahig, ang walang kamalay malay na si Kit, hwag naman sanang madamay. Pinagmamasdan din ni Jairus si Kit habang naglalaro sya, kahit hindi sya magsalita alam ko na nag aalala sya sa kaligtasan ni Kit. "ano? Okay ka lang?" bigla niyang tinanong sa akin "huh? ikaw dapat tanungin ko niyan diba?"