Chapter five
MIGZ POV’S
Nandito parin ako sa bahay nila Mika, mababait naman ang parents niya, medyo close na nga kami ni Mika at Elis eh, kaso si jai
Parang ayoko pa lapitan.
Nasa malapit lang ako, pinagmamasdan si Jairus, kalaro nanaman niya si Kit.
Si kae naman kahapon ko pa hindi nakakausap ng maayos, kahit itago niya saken parang balisa sya, hindi ko nga alam kung nararamdaman din iyon ni Elis eh
Kase iba kinikilos ni Kae kahapon pa, hindi pa nga sya lumalabas ng kwarto nila.
Nagsimula lahat to nung nawala sya nung magkasama kami, iniisip ko nga kung sinong kaibigan ang tinutukoy niya, bakit kaya sya nagkakaganun?
Mamaya pa ay nahagilap na nang mata ko si Kae na mabilis na naglalakad papunta kanila Kit at Jairus.
Tinititigan ko si Ka eng mabuti, iba ang ekspresyon ng mukha niya, muka syang galit ngayon, kahapon naman mugto ang mata niya, ano bang nangyayare dito?
Lumapit ako ng konte kase parang pinipilit ni Kae si Kit na sumama
“NO!!! ayaw!!!” sabi ni Kit
“halika na!”
“AYOKO MOMMY!!!!” naiiyak nasabi nung bata
“Kit wag matigas ang ulo, sumama ka na kay mommy..”
“but im with tito idol, we’re playing mommy…”
Tumingin si Kae kay Jairus, si Jairus naman hindi umiimik, ang sama ng tingin ni Kae kay Jai
“wag ka nang lalapit sa kanya..” nagulat ako sa sinabi ni Kae
wag daw lalapit? Pero bakit? anong meron?
“uwwaaaaahhhhh noooooo!!!” umiyak na ng tuluyan si Kit
“halika na sabi!” binuhat ni Kae si Kit
Nagpupumiglas ang bata habang buhat buhat niya ito “titooooo uwaaaahhh, mommy baba!!! Mommyyy!!”
Hindi pinapakinggan ni Kae si Kit kahit umiiyak na ito, pumasok sila sa loob ng bahay, sumunod naman si Jairus sa kanila.
At dahil maganda ako, sumunod din ako wag kayong komontra, gusto ko lang makita kung anong nangyayare sa kanila.
Nasa malapit lang din ako, kitang kita ko parin sila at rinig ko parin ang malakas na iyak ni Kit, buti at wala si elis at Mika ngayon, ang parents naman nila Mika ay nasa trabaho
Mga maids lang ang kasama namin dito sa bahay nila.
FYI for your information, may bahay po talaga si jairus, ang pagkakaalam ko lang ha, nag sstay lang sya dito ngayon kase may inaayos silang documents ni Mika for the wedding
“mommmy!! Uwaaaaahhhh”
“I said stop!”
“uwaaaaaahhhhh”
“tumigil ka na!”
Bakit pinapagalitan ni kae ang anak niya? Kung sabagay may karapatan naman syang magalit, yun nga lang ay wala namang ginagawa yung bata na masama
“uuwaaaaaahhh…”
Binaba ni Kae si kit sa may living room, si jairus naman kahit hindi ko nakikita ang mukha at mukang nag aalala kay Kit dahil na rin sa inaasta ni Kae ngayon.
“hindi ka ba titigil ha?!” sabi ni Kae sabay palo sa pwet nung bata
Mas lalong umiyak si Kit, ang lakas lakas, jusko ang sakit sa tenga nakadalawang palo si Kae kay Kit, pero mukang hindi naman malakas yun.
Hanggang sa nagpumiglas na talaga si Kit kay Kae at tumakbo papunta kay jairus, niyakap nung bata si jairus sa binti, kapit na kapit sya sa pagkakayakap habang humihikbi
“tahan na ah..” ang sweet naman ni Jai
“Kit balik!” utos ni Kae
“NO!!”
“sige na punta ka na kay mommy..” utos ni Jairus
“NO!!! she’s bad! Mommy is bad, I don’t like her!”
Pabalik balik lang ang tingin ko kay Kae at kay Jairus pati na rin sa bata, naluluha si Kae habang nakikita si Kit at naririnig ang sinasabi niya sa kanya.
“pwede ba tantanan mo na kami..” sabi ni Kae
Huh? kanino niya sinasabi yun? Hindi naman sa bata? It means? Kay Jairus?
Kinarga ni Jairus si Kit, umiiyak parin yung bata “wag mo na kaming lalapitan..” sabi ulit ni Kae
Bakit mayintense moment dito sa loob ng bahay “ ayoko mangealam sainyo, but please, make sure mapapatahan mo si kit…”
“ibalik mo sya saken..”
“Kit punta ka na kay mommy..” utos ulit ni jai, kaso ayaw nung bata
“wag mo na sya lalapitan pa kahit kalian…” bakit nagiging emo si Kae? Umiiyak sya habang sinasabi yan “wag mo na kaming lalapitan pa…” tuluyan na syang umiyak “ayoko mapahamak yung bata, ayoko mapahamak ang pamilya ko, gusto ko na ng tahimik na buhay..”
Umiiyak parin si Kae habang napapaupo at napapahawak sa kanyang tuhod, gusto ko lumapit, kaso, nahiya naman akong mangealam ngayon.
Lumapit si jairus kay Kae “Kit hug mo na mommy mo…” tinignan nung bata si Kae at mukang naawa ito dito, kaya bumaba sya mula kay Jai at lumapit kay Kae
Binuhat naman agad ni Kae si Kit at inilayo kay Jairus, naiwang walang kaalam alam si Jairus doon.
Masundan nga si Kae
Dumaan ako kay Jairus “aheemmm… anong ginawa mo?”
He just smiled “s he hates me so much..” yan alng ang nasabi niya
“Jai ikaw bay an?” I asked
“huh?”
“may naaalala ka nab a? bakit ganun si Kae sayo?”
“I don’t know, and I don’t understand whats happening…” he smiled again, but this time a fake one
Hinanap ko si Kae, kaso wala sya sa kwarto, nilibot ko parin ang buong lugar, nakita ko sila ni Kit sa garden, pinapatulog niya na si Kit.
“Kae?” nilingon niya ako
“bakit?” malumanay na sya
“bat ka nagkakaganyan?”
“hindi ko rin alam..” yan lang ang sinagot niya, bakas sa mukha niya ang lungkot
Lumapit ako sa kanila, umupo sa harapan niya “may amnesia si jai, pero bakit ang turring mo sa kanya kanina ay parang yung noon?”
“Migz ayoko mapahamak ang pamilya ko, lalo na si Kit…”
“ha? Bakit sila mapapahamak?”
“lumalayo na ako sa nakaraan…. Nililimutan ko na lahat…. Pero may mali eh…. kahit anong layo ko sila ang lumalapit sa akin..”
“sshhhh.. tahan na… ano ba kase nangyayare?”
“nagkita kami ni Prince…”
“Prince? Yung member ng Oracion seis?"
“oo, natakot ako bigla, nung una natuwa pa ako, pero nung…”
“nung….”
“nung dinalaw namin si Julian…”
“nagkita na kayo ni Julian? Paano? Nasaan sya? Buhay ba sya?”
“wala na sya Migz, dinala ako ni Prince sa puntod ni Julian, ang sakit sakit, bumalik lahat ng nangyare after how many years, kahit saan siguro ako magpunta maaalala at maaalala ko parin ang nakaraan ko, pati na rin yung sakit, bakit parang sariwa pa ang lahat…”
“yun ba talaga ang hindi mo makalimutan kaya ka ganyan? Yun bang mga masasakit na nangyare sayo? Mga nasaksihan mo noon? O, yung sakit na ginawa sayo ni Jairus…”
Hindi sya nakaimik.. nakayuko lang sya habang kandong si Kit
“hindi ko alam Migz….”
Mukang merong bagay na hindi kayang limutin ni Kae, hindi man ako sigurado doon, pero malalaman ko rin yun sa tamang panahon.
“kung ako sayo Kae, maghulos dili ka muna, matagal na nangyare yun sayo, sa atin, sa inyo ni Jairus, isipin mo ang kasalukuyan at ang future niyo, kayong mag ina, kayo nila Elis…”
Hindi parin sya umiimik, mukang nag iisip sya
“hi guys, mukang masinsinan yan ah…” nandito nap ala si Mika, nandito na rin siguro si Elis
Lumapit sya sa amin, may dalang pizza “ay ang daya hindi niyo na tinuloy yung kwentuhan niyo ah, Sali naman ako…”
“nagkwekwentuhan lang kami tungkol sa Canada, wag mo na lang pansinin yun, teka nasaan si Ja—este si Jake?”
“umalis na eh, hindi ba sya nag paalam sa inyo?”
“ha? Ah oo! Nag paalam sya…” kahit hindi
Walang imik parin si mommy love oh, jusko mukang marami syang naiisip.
“Kae pinapasabi pala ni Elis, mamaya pa sya makakauwi…”
“ah ganun ba…” matamlay na sagot ni Kae
“kwentuhan naman tayo…” aya ulit ni Mika
Akala niyo tahimik yan, muka lang kase, pero madaldal din yan “ikaw nagsuggest kaya ikaw magkwento…”
“ano naman ikwekwento ko?” tanog niya…
I have an idea “ kwento mo kung pano kayo nagkakilala ni Jake..” galing ko HAHA!
Tumingin saglit sa akin si Kae, sus Kae, alam ko gusto mo malaman din lahat yan, mukang may 1% feeling ka pa kay Jairus, pero hanggang muka lang yun hahaha…
“sige na nga..” no choice ka naman eh, kukulitin parin kita kahit tumanggi ka, hmmmp! “sabi ko nga sa inyo may amnesia si Jake “alam na namin yun “nurse ako” alam ko rin yun “ tumawag sa akin yung head nurse namin sa ospital na pinapasukan ko, may nagpapahanap ng magiging isang personal nurse, malaki ang sweldo, kaso nga lang matagal na hindi makakauwi hanggat hindi nagigising ang pasyente, at malayo yung lugar, maraming nag alangan dahil doon, kase hindi sila makakauwi, ako lang ata ang hindi umayaw, kaya ayun ako ang pinapunta doon, at doon ko na lang nalaman na si Jake ang magiging pasyente ko, na coma sya mga mag iisang taon din yun na hindi sya gumigising, nagtaka nga ako dahil mga maids at wala man lang kamag anak syang kasama doon, hindi ko naman na hinalungkat kung paano sya napunta sa ganung sitwasyon, kahit mga maids na nandoon hindi din alam, nagtatanong ako kung sinong kasama niya pero wala silang maibigay na impormasyon, hanggang sa tuluyan na nga syang nagising, sobrang balisa sya noon, at nagwawala sya habang umiiyak, mga ilang araw syang hindi malapitan, at naglakas loob na lang akong lapitan sya….”
FLASHBACK
MIKA’S POV’S
“nakakatakot po sya, kanina pa sya nagwawala” sabi ng isang maid
“ako na lang papasok..” sabi ko
“wag na, baka kung mapano ka…”
“hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan..”
Naglakas loob ang pumasok sa kwarto ng pasyente ko, dahan dahan kong binuksan yung pinto, at dali dali din akong lumapit sa kanya na nakaupo sa baba ng kama niya
Ang daming basag na gamit at sirang gamit dito sa loob
Pati kamay niya nagdudugo na rin.
“okay ka lang ba?” hindi sya umiimik “gagamutin muna kita..”
Bakas sa muka niya ang galit, parang masama ang loob niya, hindi ko maipinta ang muka niya, parang nakakatakot ang itsura niya.
Ginagamot ko ang kamay niyang nagdurugo “ba-bakit mo ginagawa to?”
Matagal syang hindi sumagot “wala akong maalala..” sa unang pagkakataon nagsalita sya, at natuwa ako dahil kalmado ang boses niya
Simula noon, todo bantay at alaga na ako sa kanya, mga ilang buwan syang mahirap kausapin, pero nang tumagal na, naging okay na ang pakikitungo niya sa akin.
Dahil sa isang pangyayare…
_END OF FLASHBACK
MIGZ POV’S
“hanggang sa ganito na, pasensya na shortcut lang talaga to, nakakahiya kase…”
“haaayy nako,ang daya..” reklamo ko
Gusto ko pa magtanong, kaso baka iba naman na isipin ni Mika, ang pagkakaalam ni Mika hindi kami magkakilala ni Jairus, si Kae lang ang alam niyang kakilala nito.
Tinignan ko ulit si Kae “ipapahiga ko na si Kit…” sabay tayo at alis
Ewan ko ba kung ano ang gustong mangyare ng panahon sa kanila, lalo na at may mga taong dumagdag sa kanilang buhay na hindi naman nila sinadyang dumating…
#KINABUKASAN…
“ako na magdradrive baka kung ano pa maisipan mo maibunggo mo tong kotse”
“oo na sige na…” hulaan niyo kung saan kami pupunta? “hon, alis na kami ..” paalam ni Kae kay Elis
“ingat kayo..” sigaw ni Elis habang karga si Kit
“baabay!!!!” balik sigla ulit si Kit
Sumakay na kami sa kotse ni Elis, ang paalam namin, magshoshopping kami, pero hindi po yun ang dahilan, may pupuntahan kami at bibisitahin ngayong araw.
At yun ay si Julian.
“malayo ba yun?”
“sabi ko kase ako na magdradrive..”
“nagtatanong lang ako ah hindi ako nagrereklamo…”
“hindi daw…”
Hindi naman talaga malayo yung pupuntahan namin, ah by the way, simula pa nung nasigawan ni Kae si Jairus hindi pa sya nagpapakita sa amin, hindi ko pa sya nakikita sa bahay nila Mika
Sabi naman ni Mika busy daw sya.
Haaayy,, bat ba ang dami kong napapansin
“oh dyan iliko mo..”
“opo maam!”
Sabay kaming bumaba ni Kae, ang lawak ng sementeryong to ah “malayo ba yung puntod?”
“malapit lang…”
Edi follow the leader ang peg ko
KAE’S POV’S
Buti na alng at kalmado na ako ngayon, iba talaga ang nagagawa ng galit kapag pinaiiral mo ito.
Kahit mga desisyon ko pinagsisishan ko kapag nagagalit ko, haayy, gusto kong bumawi sa anak ko.
“uy malayo pa ba?”
“wag ka nga magreklamo…”
Malayo kase yung pinagparkingan namin ni Migz, dun ko nilagay sa may lilim yung kotse namin.
Natatanaw ko na yung palatandaan na malapit na kami sa puntod ni Julian “ayun malapit na…”
Dali dali kaming lumapit, kaso, may naaaninag akong lalake na nakatayo sa harapan ng puntod ni Julian? Puntod ba ni Julian yung tinititigan niya?
Lumapit pa kami ng konte
Likod lang ang nakikita ko sa lalakeng nakatalikod
“homayghasshhh..” bulong ni Migz sa gulat niya, nasa likuran ko si Migz
“bakit ka nandito?” tanong ko
Hindi sya umiimik, nakatalikod lang sya at nakaharap sa puntod ni Julian.
“tinatanong kita bakit ka nandito!”
Wala parin syang sagot
“hindi bat may amnesia ka?! bakit ka nandito! sumagot ka!!”