Zigger Halos takbuhin ko na ang gawi ng elevator dahil sa takot na bumalot sa akin. Lalo na't sumagi sa isipan ko na baka magkasama pa rin si Austeja at si Kamron. Although I'm not sure. It's almost 11 p.m. Agad akong pumasok sa loob ng elevator nang magbukas ito. Kinuha ko rin ang phone ko saka tinawagan ang numero ni Austeja. Ang problema nga lang ay hindi ito sumasagot. Posible kayang tulog na siya? At sana nga ay tulog na lang siya sa mga oras na ito. Tinawagan ko rin ang nanay ko ngunit hindi rin ito sumasagot. Ganoon din si Dad. I even tried to call Aunt Cora, pero gaya ng mga magulang ko, hindi rin siya sumagot. Kailangan kong masigurado na nakauwi na si Austeja. "Hannah, is Austeja home?" May pagmamadali kong tanong sa kapatid ko nang siya ang tawagan ko. Mabuti na lamang at