Austeja "Happy 6th birthday, Naia," I greeted in a low, but excited voice as the clock struck at twelve. Nandito kami sa kwarto, magkaharap na nakaupo sa higaan. Ang tanging nagbibigay lang din ng liwanag sa amin ngayon ay ang ilaw ng maliit na kandila na nakatusok sa hawak kong chocolate cupcake. Lalong lumapad ang mga ngiti niya. Halos pumalakpak pa ito sa sobrang tuwa, subalit kaagad niyang pinigilan ang sarili upang hindi makalikha ng anumang ingay. "Thank you, Mama! Puwede ko na po i-blow ang candle?" Halata ang galak sa tinig niya kahit na mahina lang ang pagkakasabi niya no'n. Ang cute niya rin kahit na wala pa ang dalawa niyang ngipin sa itaas. "Sure! But don't forget to say your wishes." Maligalig itong tumango, kasabay ng pagpikit niya sa kanyang mga mata. Pinagkislop pa ni

