Austeja It was almost 11p.m when the party officially ended. Although, bago pa iyon, may mga nagsi-alisan nang mga bisita. Pero bago kami tuluyang umalis sa clubhouse, hinintay muna naming makaalis ang lahat. Pagdating namin sa mansiyon ay lampas alas dose na. Sa sasakyan pa lamang ay tulog na ang kambal, at ginawa kong excuse iyon upang hindi magtagpo ang mga tingin namin ng nanay ko habang nasa loob ng sasakyan. Handa naman akong sumagot sa mga tanong, kung may mga tanong man siya, subalit hindi ngayon. Siguro ay bukas na lamang, kapag nakauwi na kami sa amin. Ngayon kasi, mas gusto ko munang damhin iyong saya. Hanggang sa ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala--para pa rin akong lumulutang. Ilang kanta ang natapos namin nang hindi ko nararamdaman ang pagkangawit kahit na may t

