Austeja Naging balisa ako nitong mga nakalipas na araw dahil sa pangongompronta sa akin ng kapatid ko. Bawat tingin na ipupukol sa akin ni Mama, kaagad ko nang naiisip na nasabi na ni Thea sa kanya ang nalalaman niya. Kapag din kinakausap ako ni tita Elizabeth, ni tito Zach, o kaya ay si Hannah, pakiramdam ko ay mayroon na silang alam kahit na wala pa naman. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako na hindi pa kami ibinuking ng kapatid ko, pero natatakot ako na baka kapag ginawa niya iyon, may gawing hindi maganda sa kanya si Zigger. Hindi pa rin kami nag-uusap ni Althea simula noong iniwan niya ako roon sa kuwarto. Hindi pa ako nakakapagpaliwanag sa kanya, at sa tingin ko ay kahit ano naman ang sabihin ko, hindi rin niya ako pakikinggan. But as long as she didn't spill anything about wh