Nikko: "Pwede ba tayong magusap?" Bungad ko sa ama ko. Sa totoo lang ay hindi pa ako sanay na tawagin siyang Dad. Inilapag niya ang hawak niyang isang tasa ng kape sa mesa at ngumiti ito. Ilang araw nadin ang lumipas at bumukod na ako ng tirahan kay Sofie. Meron naman kasi akong sariling condo at sariling pera ko ang ginastos ko para dito. Ngayon ay bumisita ako sa bahay ng mga magulang ko sa manila. Mansyon ito at maraming katulong maging body guards napaisip din ako kung bakit sobra sa security ang mga magulang ko. Pero isinantabi ko muna ito at gusto kong malaman kung bakit ako nawala sakanila. "Ano yun anak?" "Pwede ko bang malaman ang buong detalye kung bakit ako nawala sainyo?" Tumikhim ito at nagsalita. ( Flashback) Henry: "Manganganak na ata ako henryyyyy!" Narinig ko