Sofia: Dumating kami sa isang sosyal na 5 star restaurant. Nakita ko na nagkukwentuhan na ang lahat at nandoon nadin si Nikko kakwentuhan si Ruby. Aminado ako na malaki ang iginanda nito at halos lumuwa na ang dibdib sa suot niyang gown. Kulay black ang gown niya at litaw na litaw ang mala gatas na puti nito. Ng papalapit na kami ay nakipagbeso beso na si mama at nakipag kamayan na si papa habang ako ay nakatingin lang sakanilang dalawa na masayang nagkkwentuhan at ng mapansin ni Nikko ang presensya ko ay tumayo ito at pumunta sakin ng nakangiti. "You're like a Goddess." At hinalikan niya ako sa mga labi ko. Pagkatapos ay nakipagkamayan siya kay papa at humalik sa pisnge ni mama. Naabutan kong nakatingin sakin si Ruby kaya naman ay nginitian ko siya. Gumanti din siya ng ngiti at naup