Sofia: Pumunta kami sa isang 5 star restaurant. Habang nasa sasakyan ako ni Nikko ay kinakabahan ako at hinawakan naman niya bigla ang kamay ko. "Wag kang kabahan Sofie. Magugustuhan ka nila." Sabi neto na may malaking ngiti sa mga labi niya. Tumango ako at huminga ng malalim tsaka muling tumingin sakanya. "Basta para sayo mahal lahat kakayanin kong harapin." Sabi ko at hinalikan ko siya. Totoo namang kaya kong harapin ang lahat maging ang mga magulang niya para sakanya. Lumabas na siya ng kotse para pagbuksan ako ng pinto. Pagpasok palang namin sa loob ay mamamangha ka sa ganda dahil parang ginto ang wall neto na kumikinang maging ang upuan na gagamitin at mga kurbetos. Napaka ganda din ng malaking chandelier sa gitna na napapalibutan ng tila puro dyamante. Huminto kami sa table s