Third person: Maagang sinundo ni Nikko si Sofie sa airport. Agad na niyakap ng binata ito sa sobrang pagkakamiss niya. Kasama ni Nikko ang Lola Laura ni Sofie at kumain sila sa labas para makapagkwentuhan nadin. Ng matapos na ay inihatid ng dalawa ang Lola ng dalaga at nagpaalam naman si Sofie na pupunta siya sa bahay ni Nikko. Pumayag naman ang matanda kaya umalis na ang magkasintahan. Sofia: Habang nagmamaneho si Nikko ay masaya kaming kumakanta. Pinapatugtog kase ang isa sa mga paborito naming kanta ang (thank you by: Dido) Masaya din kaming nagkukwentuhan habang nasa loob ng kotse niya. At nagsalita siya. "Namiss kita sobra akala ko nga matatagalan kapa e susundan na sana kita." "Sobrang namiss din kita mahal. Pasensya na ha ang dami kasing trabaho dun e ang dami kong inaa