Sofia: Wala akong pasok sa trabaho at tamang tama dahil mag go grocery ako. Dahil sa sobrang lakas ng ulan kahapon ay inihatid ako ni Sir Jacob. Mapilit siya kaya di na ako nakatanggi pa. Naging mabait na sakin si Sir Jacob marahil mabilis ko ng nagagawa ang mga pinapagawa niya. Palagi niya na ako inaaya minsan na ihatid ngunit tumatanggi ako dahil ayoko naman abusuhin ang kabaitan niya. Habang naglalakad nako sa supermarket dala dala ang cart ko ay may biglang tumawag sa pangalan ko. "Uy Sofie!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at natuwa ako ng sobra ng makita ko si Sarah. Isa siya sa mga bff ko kaya sobrang saya ko. Napakabusy naman kasi naming magkakaibigan dahil sa kanya kanyang mga trabaho. Maglilimang buwan na pala ako sa pinapasukan kong trabaho at natutuwa ako d