Nikko: Maaga akong nagising 5am na at bumaba ako para kumuha ng malamig na tubig. Nasa tapat na ako ng ref. Wala pang gising sa ganitong oras at pati mga katulong nila. Nagulat ako ng maramdamang may yumakap sa likod ko. Ramdam ko ang lambot ng kanyang katawan. "Nikko." Narinig kong sabi niya. At nalaman kong si Ruby yun. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya pero ang kulit niya. "Ruby ano ba? Umayos ka nga baka makita tayo ng mga magulang mo." Sabi ko. Parang wala siyang narinig at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa likod ko. "Edi maganda para malaman nilang may relasyon tayo." Sabi niya. Agad kong tinanggal ang pagkakayajap niya kahit na nasasaktan siya. "Anong pinagsasabi mo? Wala tay-" naputol ang pagsasalita ko ng bigla niya akong hinalikan. Tinulak ko siya ng mahina