Nagkamalay ako sa hindi pamilyar na lugar. Nasa loob ako ng kwarto at napakalamig ng buong paligid. Bumukas ang pinto at si Nikko ang iniluwa nito. Agad kong pinilit na tumayo para lapitan siya. Niyakap ko siya dahil sa labis na pagmakamiss at pagmamahal sakanya. Siya naman ay hindi gumanti ng yakap sakin at walang emosyon niyang tinanggal ang mga yakap ko. "Nikko?" "Tapos na tayo Sofie." Hindi ako makapagsalita sa binitawan niyang salita. Naguumpisa nanamang magsipaglabasan ang mga luha ko. "Nikko hindi ako naniniwalang magkapatid tayo." Mas lalo akong nanghina ng mga sandaling yun at tuluyan ng bumagsak ang katawan ko sa lupa. Hindi ako tinulungan ni Nikko at hindi mababakas sa mukha nito ang pagaalala sakin. May hawak siyang envelope at ibinigay sakin. "Ano yan?" Tanong ko.