"Dapat talaga makulong yung gagong yon! Ako babaril sa kanya pag hindi siya nakulong." gigil na sabi ni kuya Dylan. Nakasuot siya ngayon ng pang umiporme ng pulis dahil galing siyang presinto kasama ang iba pa niyang kasama. Kanina pa ako gustong interview-hin ng mga pulis at tinatanong kung magsasampa ba daw ako ng kaso. Gusto nilang lahat lalo na si Louie pero.. "Huwag na po. Ayoko nalang po ng gulo." gulat silang tumingin sakin. "Beshy naman! Muntik ka ng mamatay dahil sa lalaking iyon! Ipapatapon mo nalang ng states ganon?" umirap si Mika at bumuga ng hangin. "Anak sigurado ka ba dyan?" tanong ni papa. Tumango ako. "Opo pa, ma, kuya.. Sana maintindihan niyo yung desisyon ko. Ayaw ko ng gulo. Please?" tiningnan ko sila Annett at Mika. "Hayaan nalang natin siyang makulong dahil sa p