"Anong gusto nyong sabihin?" tanong ko pagkaupo namin sa isang coffee shop. I wonder kung kailan siya umuwi ng Pilipinas. Kasama rin ba niya ang papa ni Louie? Nandito ba siya para paghiwalayin na namin kami? Tumikhim ito bago sumagot. Halatang kinakabahan siya sa sasabihin niya. Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya. "G-Gusto sana kitang pakiusapan na pabalikin si Louie sa mansyon.." napaawang ang bibig ko. Anong ibig niyang sabihin? Umangat siya ng tingin sakin at muling nagsalita. "Alam mo ba kung bakit gusto kong paghiwalayin kayong dalawa?" mariin siyang tumitig sakin. "I don't want you to be like me, nagmahal rin ako ng isang mayamang tulad ni Louie but in the end.. Iba parin ang pinili niya--" agad akong sumabat. "Ang tinutukoy niyo ba ay ang papa ko?" natikom niya ang bibig niya