Napangiti ako nang maalala ko ang lahat ng nagyari dati. Parang isang panaginip, hindi ako makapaniwalang mararanasan ko ang ganong proposal. Sa totoo lang wala naman akong pakialam kung simple lang ang pagpopropose niya, importante yung sincerity niya sa akin. Sariwa pa sakin ang mga sinabi niya sakin dati. "Bata pa tayo Louie at ang tagal pa ng panahon na sinasabi mo bago tayo ikasal. Marami pang pwedeng magbago." sambit ko. "I'm old enough to know what I want. I'm serious about you. I want to marry you and I'm ready for it." seryosong sabi niya. Nasa kotse na niya kami at ihahatid na niya ako sa bahay namin. Maraming bumati sa akin lalo na sila mama at papa. Hindi ko naman kasi akalaing pumayag na sila sa gagawin ni Louie. "My feelings won't change. I can assure that." hinawakan niy