Nakangiti kong tinapik ang braso niya. Ang cute niya talagang matulog. "Louie, gising na.." bulong ko. "Hmm.." napatakip ako ng bibig sa sobrang sexy ng ungol niya. Binatukan ko ang sarili ko sa pag iisip ko. Baliw ka, Aika. "Good morning!" masayang bati ko. "Nagluto ako sa dali, baba na tayo." dahan dahan siyang umupo at inaantok na tumingin sakin. "I can't walk." parang batang sabi niya. "Ha? May masakit ba sayo?" lumapit ako sa kanya at yuyuko palang ako sa paa niya para sana tingnan kung saan ang masakit kaso mabilis kong naramdaman ang pagdampi ng labi niya sakin. "Oops. My bad." mabilis siyang lumabas ng kwarto. Natawa nalang ako. Ilang sandali pa ay bumagsak ang ngiti sa labi ko. Hindi ako maiinis o magagalit sa ginawa mo Louie. Kahit pa pakiramdam ko nakakasama na ako sayo