Nakaramdam ako ng kaba nang makita ko siya. "What the hell? Just what the hell, Aika." mahinang sabi ni Louie sa akin bago buksan ang pinto. Dumapo agad ang tingin ni Jake sa akin at bumaba ang tingin niya sa wheelchair ko. "Anong nangyari sayo?" kunot noong tanong niya. "A-Anong ginagawa mo d-dito Jake?" siguro nga ay nakaka offend ang tanong na iyon pero gusto kong malaman kung bakit siya nandito. Hindi naman sa ayaw ko siyang nandito pero baka mag away lang sila ulit ni Louie. "Anong nangyari sayo?" ulit na tanong niya at nang hindi ako sumagot ay tumingin siya kay Louie. "Anong ginawa mo sa kanya?" diretso niyang tanong. Nakapamulsa lang si Louie at nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. "Why are you here?" nagulat ako sa sobrang lamig ng boses na ginamit ni Louie. Sabi na