Iniling ko ang ulo ko at huminga ng malalim. Hindi ko na yatang kaya pang balikan ang mga sinabi ng stepmother niya sakin dati. Kapag binabalikan ko iyon ay kumikirot lang ang dibdib ko. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at lumabas ng computer room niya. Bumuga ako ng hangin at bumaba. Hindi na dapat ako matakot. Natuto na ako, hindi ko na dapat siyang hayaan paghiwalayin kami ni Louie. Hindi na. Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. "So I heard the news right." saad niya. "Good afternoon Tita.." mahinang bati ko. Umismid siya at sarkastikong tumawa. "You really have the guts to call me that?" parang may bumara sa lalamunan ko sa sinabi niya. Pero pilit akong ngumiti. "Sa ayaw niyo at sa gusto iyon din naman po ang itatawag ko sayo sa future, depende