Napuno ng luha ang mata ko sa sinabi niya. "Baliw kaba? Kung nagtagal ka lang sana doon nakita mo sana kung paano ko siya tinulak! Ang selfish mo! Bakit hindi ka nagpakita sakin? Kahit sirain mo yung party kong iyon wala naman akong pakialam. Sana man lang nagpakita ka.." sabi ko at muling bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Hindi ako naniniwala sa destiny pero gusto kong magtanong kung hindi ba talaga kami para sa isa't isa. Kasi ayoko na ng ganito, gusto ko yung malaya naming nagagawa ang gusto naming dalawa.
"W-Wala ka na bang feelings sakin ngayon?" diretso kong tumingin sa mata niya at pilit na kinalma ang sarili ko.
Nakatitig lang siya sakin at wala akong makitang ano mang ekspresyon sa mga mata niya. Pakiramdam ko alam ko na ang sagot niya. Sabagay, dalawang taon siya naghirap. Siguro naka move on na siya sakin.
Nakatayo siya sa harap ko habang nakalagay ang kamay niya sa dalawang bulsa niya. Nakatingin siya sakin na parang isa lang akong bato sa harap niya.
Ayokong marinig ang sasabihin niya kaya inunahan ko na siya.
"B-Bukas na bukas din.. Aalis a-ako sa bahay mo. N-Nakakuha na akong ticket.." pagsisinungaling ko at muling bumuhos muli ang mga luha ko.
"I dont love you anymore." para akong binagsakan ng bato sa sinabi niya. Iyon na yata ang pinaka worst na narinig ko sa buong buhay ko. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim at mga yapak niyang papalapit sakin. "Is that what you think I'm going to say?" napatigil ako at tumingin sa kanya. Pinunasan niya ang luha ko at hinaplos ang pisngi ko. "I can see it through your eyes. You think so low of me, Aika."
"P-Pakiramdam ko kasi kasalanan ko k-kung bakit ka naghirap. Kung bakit ka nasasaktan.. K-Kasalanan ko.." hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"Do you still love me?" bulong niya.
Tumango ako.
"Say it." lumunok ako bago nagsalita.
"I still love you, Zico." unti unting sumilay ang ngiti sa labi niyang matagal kong hindi nakita. Mga mata niyang muling sumigla. Iyon ang namiss ko.
Kinagat niya ang labi niya at tinitigan ako sa mga mata hanggang sa bumaba ito papunta sa labi ko.
Hindi na ako nakagalaw nang dumampi ang labi niya sa labi ko. Mabilis itong humiwalay at yumakap. "I miss you so much." sabi nito habang nakayakap sakin.
"Bakit hindi mo sinabi s-sakin iyan noong una tayong magkita?" suminghot ako at tanging pabango niya lang ang naamoy ko. "Akala ko tuloy galit ka sakin, Louie."
"You called me Zico a while ago." ramdam ko ang pag ikot ng mata niya sa sinabi niya. Humiwalay siya ng yakap at tumitig muli sakin. "Why would I say that if I know that you're in a relationship with Izmael?" napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Wala kaming relasyon. N-Nanligaw siya sakin, p-pero hindi kasi kita makalimutan kaya.." yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. "Nasasaktan ko siya sa tuwing binubukambibig kita."
"Really? That's great then. It serves him right." napaangat ako ng tingin at sinamaan siya ng tingin.
"Wag ka ngang ganyan. Mabait si Jake.." pinaningkitan niya ako ng mga mata.
"Are you defending him right now?" bumalik sa seryoso ang mukha nito.
Tinitigan ko ang mukha niya at ganon na ganon parin ang reaksyon niya sa tuwing naiinis at sumisimangot. Siguro, hindi na importante sa kanya yung nangyari. Na parang okay na ang lahat kasi kasama niya ako. Iyon kasi ang Louie na kilala ko.
Napangiti ako at hinaplos ang mukha niya. "Itong palaging nakabusangot na si Zico, namiss ko to." hinaplos ko ang mata nito pababa sa labi niya.
I really love his features. I love every bit of him.
"I miss you." pinatakan ko ng halik ang noo niya. Ngumiti ako at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Huminga ako ng malalim at tumigil sa pag iyak. "Namiss talaga kita.." niyakap ko siya ng mahigpit at dinadama ang mahigpit na yakap na binibigay niya sakin dati.
Humiwalay ako at muli siyang hinalikan sa noo. Tumitig siya sakin at tumikhim. Nakita ko ang pag alon ng lalamunan niya at mabilis na tumayo.
"Let's stop this drama. We can continue this tomorrow." ngumiti ako at sinundan siya ng tingin papunta sa likod ko.
Tinulak niya ako papasok at dumiretso sa kwarto. "Teka! Yung ice cream!" sigaw ko at nilingon siya.
"I'll take care of it." sabi niya at muling tinulak ang wheelchair.
"Lagay mo sa ref ah, wag mong kainin." narinig ko lang ang pag ismid niya.
Nang makapasok sa kwarto ay agad niya akong binuhat papunta sa kama. Humawak ako sa batok niya bilang suporta. Para tuloy kaming bagong kasal.
Napangiti ako at napatitig sa mukha niya.
Gusto kong titigan magdamag ang mukha niya. Hindi ako magsasawa. Iyong ganito kalapit niya sakin naaalala ko ang nangyari sa ospital two years ago.
Nang nalapag niya ako sa kama ay akma na siyang aalis nang hinila ko papalapit ang batok niya. "What are you doing?" nakita ko ang panic sa mukha niya.
Nanatiling nakahawak ako sa batok niya habang nasa ibabaw ko siya. "Ayaw mo bang ituloy ang nangyari satin sa ospital two years ago?" bulong ko.
Nakita ko ang hindi mapakaling mata niya at ang pag alon ng lalamunan niya.
Ito ang namiss ko sa kanya. Ang cute niya talaga kapag nagkakaganito siya.
Hanggang sa tumitig ito ng diretso sakin. "Shall we?" nawala ang ngiti sa labi ko at ako naman ang napalunok.
Naghahamon ang titig niya.
Bakit parang naging agressive siya?
Nanlaki ang mata ko nang umakyat siya sa kama at tuluyang pumaibabaw sakin. Halos hindi ako makahinga sa ginawa niya. Hindi! Hindi dapat ganito ang nangyari! Bakit parang bumaliktad? Ako dapat yung ngumingisi at natutuwa ngayon.
Gusto ko lang naman pagaanin yung atmosphere dahil sobrang drama namin kanina. Sa ginagawa niya ngayon pinapabigat niya.
Ilang beses akong kumurap nang unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sakin. Sobrang lakas ng heartbeat ko. "Do you want to take it slow or in a fast way?" hindi ako makahinga sa sinabi niya at pakiramdam ko uminit ang buong mukha ko.
Tumitig siya sa mukha ko at ngumisi. Bumulong siya sa tenga ko na nagpataas ng balahibo ko. "Dont try to tease me again, I can't promise that I'll behave if you keep turning me on."
Kinagat ko ang labi ko at umiwas ng tingin.
Sayang..
--