Uminat-inat ako, kumunot ang noo ko nang mabunggo ang mga kamay ko sa matigas na bagay. Iminulat ko ang aking mga mata at laking gulat ko na nasa loob ako nang isang kotse, pinilit kong inalala kung paano ako napunta sa loob ng kotse, pero ang natandaan ko lang ay may photoshoot ako, pagkatapos ng photoshoot ay nagpahinga ako sa dressing room ko at nakatulog, but why I am here? Sino ang nagpasok sa akin dito? And, this is not my car. Napakahaba nito, ang kotse ko ay isang itim na BMW na niregalo pa sa akin ni Andrew. "Hi there, milady." Nagulat ako sa nagsalita, napako ang tingin ko sa drivers seat. Paano siya napunta dito? I thought, he's in... "W-what are you doing here?" Nauutal kong tanong sa kanya. He just smiled at me. "Srsly? Wala man lang ba d'yan na, I miss you! Kamusta kana?" Na