Ilang buwan matapos kong malaman na ang Grandma ko ang may kasalanan kung bakit nagulo ang relasyon namin ni Nicole ay hindi ko na siya nakita pa, sabi ni Mommy ay bumalik na ito sa States. Galit ako sa kanya at hanggang ngayon ay hindi ko pa siya magawang patawarin, siguro kase hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap na wala na kami ni Nicole. Hanggang ngayon kase ay umaasa parin ako na magkakabalikan pa kami ni Nicole, parati parin akong nakasunod sa kanya kung saan man siya magpunta. Para na nga akong aso e, but who cares? This is what I want to do, kahit sa ganitong paraan man lang makita ko siyang masaya kahit na masakit para sa akin na iba ang dahilan kung bakit siya masaya ngayon. The guy is Andrew, one of the Arevalo's. Kilala sila bilang isa sa mga magagaling na abogado sa b