Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong humahaplos sa buhok ko, ayaw bumukas ng mga mata ko at ang katawan ko naman ay sobrang masakit na pagod na pagod. Katulad ng katawan ko ay ganoon din ang mga mata ko, parang pagod na pagod din ito. Hindi ko alam kung nasaan ako pero ramdam ko na wala ako sa bahay ko, posible bang nandito parin ako sa bahay nila? Nasaan ba ako ngayon? Nag-isip ako kung ano ang nangyari bago ako narito, bago ko naramdaman ang ganitong sakit ng katawan at mga paa ko. Unti-unting bumabalik sa akin ang pangyayari kanina, kung paano ako insultuhin ng Mommy ni Knight sa harap ng pamilya nya. Na ngingilid na naman ang luha sa mga mata ko. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa may nakita ako sasakyan na mabilis ang takbo papunta sa akin, pagkatapos ay yun na. Hindi ko na m