Dalawang araw matapos kong sinagot si Knight ay naging usap-usapan ito sa buong school, may natutuwa, walang pakialam at higit sa lahat ay may mga tao ring ayaw sa relasyon namin. Hindi raw kami bagay kasi langit si Knight at ako naman ay lupa, magiging sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako apektado sa mga masasamang sinasabi ng ibang tao tungkol sa akin. Hindi ko alam kong alam iyon ni Knight, maririnig ko lang naman kasi ang mga masasamang komento sa akin kung ako lang mag-isa, pero kung nar'yan si Knight at ang mga kaibigan nya ay wala naman akong naririnig na masama galing sa kanila. Mga tao nga naman, basta may masabi lang sa kapwa nila. Porket angat sila sa buhay ay ganoon na lamang sila makahusga, na kung makapagsalita sila ay parang mga perpekto. Napabuntong hininga na la