~(REINA CELESTINE CALDERON POV) I felt so relieved that Vern was finally feeling fine. Hindi ko na kailangang pang mag-alala rito. Papunta pa lang ako sa silid kung nasaan si Danien nang makasalubong ko si tita at tito, Danien's parent. Halos naghinagpis sa pag-iyak si tita and she immediately hugged me nang makita niya ako. Marahan ko rin namang hinaplos ang likuran nito. I understand what they were feeling. "H-How's Danien, tita?" Lalo pang lumakas ang paghikbi nito. She couldn't even answer me. Tito just composed himself at piniling sagutin ang tanong ko. "W-Wala na siya, hija..." Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko nang marinig ko ang sinabi ni tito. Hindi ko alam kung bakit naalala ko ang naging pag-uusap naming dalawa habang nagmamaneho ako para dalhin siya sa ospita