~(XYLESIER CALDERON JR. POV) Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Inayos kong mabuti ang suot kong necktie. Napangisi ako. Bagay naman pala sa akin ang mga ganoong damit. Mukha na talaga akong anak ng isang Xylesier Calderon na may limpak-limpak na salapi. Sinilip ko ang mga tao sa garden. Lalo akong napangisi nang makita kong marami-rami na ang mga ito. I liked that there were lots of beautiful woman around na naggagandahan rin ang mga katawan. Kung nandito lang si Paeng siguro akong tuwang tuwa ang manyakis na iyon. Bumaba na rin ako ng hagdan. Ang sabi ng katulong ay hindi pa raw bumaba si Reina kaya naman hinintay ko na ito sa living room. Gusto kong sabay kaming makita ng mga tao. I had to look like a good brother in front of them. Kinuha ko ang magazine sa ibabaw ng mesa at n