YOU MAY NOW OPEN THIS CHAPTER!!!! ~(REINA CELESTINE CALDERON POV) Hindi ko alam kung mayroon pa ba akong natapos na trabaho sa opisina. I couldn't function well. I was still trying to tell myself na hindi totoo ang nangyari kagabi. Ni hindi ko nagawang makatulog. I didn't know exactly kung ano ba ang dapat kong gawin o kung ano ba ang dapat na tumatakbo sa isip ko. Nakailang buntong na hininga na ako at nakailang pikit na rin ako nang mariin trying to compose myself pero hindi ko nagawang kalimutan ang nangyari. My secretary told me the time. Noon ko lang nalaman na natapos na ang office hours at halos wala akong natapos na paperwork. Kahit habang papunta ako sa parking ay hindi ko pa rin maiwasang matulala. I just noticed na wala ang sasakyan ko kung saan ko iyon pinark kanina noon