~(REINA CELESTINE CALDERON POV) Palitaw pa lang ang araw nang bumaba na kami mula sa kubo ni Xylesier. Napatingin ako sa kamay ko nang higitin niya iyon. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya roon na hindi ko na iyon nagawang bawiin pa. I didn't want to be so clingy hanggang sa maaari. After all, we just had a deal, we were not lovers. Wala akong naririnig na kahit akong ingay sa paligid bukod sa huni ng mga ibon. Unang beses ko lang makita ang gubat na iyon. Dummy was afraid of forest kaya naman hindi kami nagpupunta sa mga ganoong lugar. Isa pa, alam kong hindi magugustuhan ni dad kung malalaman niya nagpupunta ako sa mga delikadong lugar. I always over reacted kahit pa magkasugat lang ako nang maliit. Halos ipatawag na niya ang buong tauhan sa ospital. Hindi niya gustong napap