~(XYLESIER CALDERON POV) "Mukhang may good news ka na naman ah?" tanong sa akin ni Paeng habang nagbubukas ito ng takip ng alak na binili niya sa kanto. Kinuha ko naman ang boteng inalok niya sa akin at tinungga iyon. "Pera ba 'yan, huh? Sabihin mo na sa akin." "You have to be patient." "Hindi na ako makapaghintay. Bakit ang tagal mo naman yatang makuha ang mana mo?" "I agreed na ibigay niya sa akin ang pera sa loob ng isang taon." "Huh!?" Binigsak nito ang pambukas ng bote sa mesa pagkatapos ay mabilis na umupo sa harapan ko. "Bakit ka naman pumayag? Hindi mo ba naisip na baka iniisahan ka lang ng babaeng 'yon? Hays! Matagal pa ang isang tao! Hindi ko na mapagtiisan si boss." "Kilala mo ako. Hindi ko hahayaang mangyari 'yon." "Psh" Sarkastiko itong tumawa. "Oo nga kilala kita, al