~(XYLESIER CALDERON JR. POV) Sumilong muna ang mga magsasaka pati na rin kami sa pinaka-malapit na bahayan. Agad nila kaming binigyan ng tuwalya pamunas sa nabasa naming katawan. Some offered us their clothes but we both refused. Sinukbit ko lang ang tuwalya sa balikat ko habang nakabalot naman sa balikat ni Reina ang sa kanya. Umupo kami sa pagitan ng maliit na mesa na gawa sa kahoy. Pati ang mga upuan roon ay gawa rin sa mga kahoy. "Heto ho, magkape ho kayo..." Naglapag ang mga ito ng kape sa mesa. "Salamat po," Reina thanked them. They joined us at the table habang kani-kaniyang silang higop sa mga kape nila. "Kumusta po kaya ang mga trabahador na... pinaruasan ni Xylesier kanina?" Nag-aalalang tanong nito kay Mang Nonoy. Psh, she didn't even have to worry about those thieves. "