~(DANIEN DE CHAVES POV) Ilang araw na akong nagpapakalunod sa alak simula nang mabasa ko ang resulta ng annulment case. Gusto kong basagin ang mukha ng gagong 'yon kasama na rin ang mukha ni Lan. Wala siyang kwenta. Akala niya ba hahayaan ko siyang maging masaya pagkatapos niya akong traydurin kasama ng baliw na babaeng 'yon? Hindi ko hahayaan na maging masaya silang dalawa lalo na ang magaling kong pinsan. That b***h will be miserable. "I want a deal with you." "Deal?" tanong nito habang prenteng nakaupo sa swivel chair niya. "I will help you to get the money you want just help me get back to her again." "At bakit ko naman gagawin 'yon?" I chuckled. "Dahil sinira niya na ang plano niyong dalawa at wala na siyang plano pang gawin ang pinapagawa mo sa kanya. If he doesn't want to