"Aaliyah," tawag sa kanya ng biyenan habang nakatingin pa rin siya sa may edad na lalake. Marahil nasa 60 pataas na ang edad nito, pero mukha pa rin itong malakas. Napansin kasi niyang gulat na gulat ang lalake habang nakatingin sa kanya. Sa pagkakaalam niya ngayon palang niya nakita ang matandang lalake na nasa harapan niya. "Victor, sinusundo mo na ba si Olga?" Tanong ng biyenan niya sa may edad na lalake na agad nalipat ang mga mata nito sa biyenan niya. "Mrs. Leonardo, good afternoon," bati ng lalaking tinawag na Victor ng biyenan. "Mauna na kami ni Victor pupuntahan pa kasi namin si Maxine sa hotel niya," paalam naman ni Olga sa biyenan niya, saka na nagpaalam ang mga ito sa isat-isa. Pansin niyang pasulyap-sulyap pa rin sa kanya ang may edad na lalake. "May napili ka na ba Aaliy