"Akala ko ba laro-laro lang itong pagpapakasal mo kay Aaliyah ah Matteo eh bakit paran gusto mong pumatay ng tao diyan?" Saad ng Kuya Marco niya sa kanya. "Ano?" Kunot noong tanong niya at sinulyapan ang kapatid. "Kung nakamamatay lang iyang mga tingin mo sa partner ng asawa mo, tiyak na kanjna pa pira-piraso ang katawan niyan," tugon ng kapatid. "Ano ba iyang sinasabi mo?' Naguguluhang tanong niya. "Sinabi ko naman sa iyo na maraming posibilidad na pwedeng mangyari sa pagsasama niyo ni Aaliyah," tugon ng kapatid sa kanya. Bago sila kinasal ni Aaliyah sinabi niya sa mga kapatid ang tunay na dahilan kung bakit niya nais pakasalan si Aaliyah. Lininaw niya sa mga ito na walang ano mang pag-ibig ang pwedeng mamagitan sa kanila ni Aaliyah. Dahil hindi siya naniniwala sa pag-ibig. "Sa inaa