"Sige na po Manang gusto ko lang pong makausap si Sir Austin," pakiusap niya sa kasambahay sa mansyon sa asyenda. Naglakas loob siyang sumugod sa mansyon para harapin ang anak ni Sir Matteo na si Austin. Nais niyang pakiusapan ito na bigyan pa ang mga trabahador sa asyenda ng kaunting panahon pa. Maiksi ang isang buwan para makapaglipat ang lahat ng nakatira sa loob ng asyenda. Napakaiksi ng panahon na iyon para makapagsimula ang bawat pamilya. "Eh... Athen, galit eh. Mainit ang ulo ni Sir. Ayaw niya," tugon ng kasambahay. Nagkibit balikat siya at tumingin sa kasambahay. Nagpapaawa siya rito, para naman kulitin nito ang amo, o di kaya ay papasukin na lang siya sa loob ng mansyon at siya na mismo ang kakausap sa amo nito. "Sige naman po Manang. Para naman mapakiusapan ko si Sir Austin.