"Ngayon lang ako nakakita ng babae dito sa penthouse ni Matteo," nakangiting sabi pa ng Mama ni Matteo sa kanya, habang patuloy pa rin ang pagsuri nito sa kabuuan niya. Nahihiya tuloy siya, baka isipin nito na cheap siyang babae at natutulog na siya sa bahay ni Matteo, kahit hindi pa sila kasal. Baka isipin ng Mama ni Matteo na isa lang siya sa mga babaing parausan ng anak nito. "Ano palang pangalan mo hija?" Malumanay na tanong nito sa kanya. "Aaliyah po," nahihiyang tugon niya. "Aaliyah. Napakagandang pangalan. Bagay na bagay sa iyo hija. Napakaganda mo. May natural kang ganda," puri nito sa kanya. Nahihiya naman siyang ngumiti rito. "Anyway, mag almusal ka muna hija," sabi pa nito sa kanya nang mapansing hindi siya kumikibo at nakatingin lang rito. Lumakad pa ang babae patungo sa