Pagpasok nila ni Matteo sa loob ng hotel room nadatnan nilang nag pi-picture, picture pa ang nanay niya at tiyahin niya sa magandang view ng hotel room. Agad pang napalingon ang mga ito nang makita sila ni Matteo na pumasok sa loob ng silid. "Aaliyah," tawag ng nanay niya sa kanya habang sinusuri nito ang mamahaling puting dress na suot niya. Umabot rin ang mga mata nito sa mga kamay niyang mahigpit na hawak ni Matteo. "Anong kailangan niyo?" Walang ekspresyon na tanong ni Matteo sa nanay niya at tiyahin. "Gusto naming makausap si Aaliyah," matapang na sabi ng nanay niya. "Para ano? Para hingan siya ng pera?" Galit na tanong ni Matteo at sinulyapan siyang nakatayo sa tabi nito. "Tumawag kami sa iyo Mr. Leonardo at nakipag-usap kami sa tauhan mo para maipaabot sa iyo ang mga kailangan