Kahit wala siyang idea kung bakit kailangan nilang matungo ni Austin sa mall, pagkatapos ng trabaho nito eh sumama na rin siya, lalo na't ang sabi sa kanya ni Austin eh may surprise daw ito sa kanya. Wala naman na siyang hinihiling pa kay Austin, masaya na siyang magkasama sila nito. Kahit nga hindi na siya pakasalan pa nito eh ok naman na sa kanya, para kasi sa kanya asawa na niyang legal si Austin. Ang mahalaga naman eh mahal nila ang isat-isa. Sapat na sapat na ang pagmamahal nila sa isat-isa. Hindi na niya kailangan ng ano pa man, lalo na kung materyal. Pagdating sa mall hawak kamay silang naglakad ni Austin. Halos pinagtitinginan nga sila ng mga nakakasalubong nila, lalo na pag babae. Marahil nakikilala ng mga ito si Austin. Nag trending kasi ang asawa niya noon nang magkahiwalay ito