"Hi, Aaliyah," bati sa kanya ni Patrick nang lapitan siya nito at iniwan si Maxine na nakikipag chikahan sa Mommy nito. "Hi," bati naman niya sa binata. "Hindi nasabi sa akin ni Maxine na invited pala kayo ni Matteo sa party ng Mommy niya," Patrick said. Hindi naman talaga sasabihin ni Maxine iyon. Ayaw nga ng mga ito na mag pa press release ang Daddy niya para ipakilala siya bilang nag-iisang anak ni Victor Benitez. Ayaw na rin naman niya, ok na sa kanya ang makilala niya ang kanyang ama at kilalanin siya nito. Ngiti lang ang naging tugon niya kay Patrick. Hindi na rin kasi niya nais na humaba pa ang pag-uusap nila nito. Lalo na't napansin na niya ang pagsulyap-sulyap sa kanya ni Matteo. Isang masamang tingin lang nito alam na niya ang ibig sabihin non. Seloso ang asawa niya at may pa