Matteo-42

1516 Words

"Teka lang fiance ka ni Aaliyah?" Tanong ng babaing muntik ng sumampal kay Aaliyah kanina. Buti na lang at dumating siya at napigilan ito. Pero sa itsura ni Aaliyah mukhang nasaktan na siya ng babae kanina, bago pa siya dumating. Nakapustura ang babae, marahil ito ang nanay ni Aaliyah na dumating galing Japan at nais isama si Aaliyah sa Japan. Napansin din niya ang dalawang matandang hapon na nakatingin sa kanila ni Aaliyah. Wala siyang idea kung sino ang mga ito, at ano ang ginagawa ng mga ito sa bahay ng tiyahin ni Aaliyah. "Ano na nga ulit ang pangalan mo?' Usisa pa ng isang babae na marahil tiyahin ni Aaliyah. "I am Matteo Leonardo. Ako ang bunso sa pamilya Leonardo," pakilala niya sa mga ito at kinuha ang wallet sa bulsa. "Matteo Leonardo," ulit pa ng mga ito sa pangalan niya. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD