Kinabukasan nauna siyang nagising kay Austin. Nang magmulat siya ng mga mata mahimbing pa ang tulog ni Austin sa tabi niya. Kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataon para mapagmasdan ang gwapong mukha nito. Napalunok pa siya habang walang kurap na nakatingin kay Austin. Kung kagwapuhan ang pag-uusapan, wala siyang mapipintas kay Austin. Sobrang gwapo talaga nito, at malakas pa ang dating. Agad siyang nakatulog kagabi, dahil na rin sa pagod marahil sa sobrang busy nila sa buong araw, isama pang bumiyahe sila ng kulang tatlong oras. Kaya hindi na niya namalayan ang pagpanhik ni Austin at pag siping nito sa kanya kagabi. Parang hindi pa nga siya makapaniwala na magkatabi silang natulog nito sa iisang kama. Isang taon sila ni Austin na magtatabi sa iisang kama mula ngayon. Dapat na siguro s