"Ako na ang magpapaliwanag sa kanila Athena," saad niya nang makaharap na niya ang buong pamilya ni Athena. First time sa kanya ang ganito, ang humarap sa pamilya ng isang babae. Lahat naman kasi ng nakalaro niyang mga babae eh hanggang kama lang at hindi na umabot pa sa pagpapakilala ng mga magulang nila. Matapos naman kasi niyang tikman, hindi na siya interesado pa. "Eh Sir Austin, ano po ba talaga ang nangyayari rito?" Tanong ng tatay ni Athena. "Hayaan niyo po akong ipaliwanag sa inyo ang lahat," tugon niya rito at napansing nakatingin ang lahat sa kanya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Napansin niyang kabado si Athena na nakaupo sa tabi niya at kaharap ang buong pamilya nito. Kaya naman para mabawasan ang kaba nito hinawakan niya ang kamay nito. Sana lang nakatulong ka