Kanina pa siya nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang kanyang suot na two piece. Ito ang unang beses na nakapagsuot siya ng ganito kagandang swimwear, isama pang mamahalin ito at si Austin pa mismo ang pumili ng design nito. "Bagay naman sa akin, kaya lang masyadong seksi at halos litaw na ang kaluluwa ko,' bulong niya sa sarili. Wala naman pinagkaiba ang suot niya ngayon sa camisole na lagi niyang sinusuot para maakit si Austin noon sa asyenda at ngayon nagtagumpay na siya. Isa pa nakuha na siya ni Austin na angkin na siya nito ng isang beses. Hindi na siya birhen pa para mag inarte at huwag ipakita ang katawan kay Austin. "Hindi ba nais mong ma satisfy si Austin, kaya tama lang iyang suot mo Athena,' saad pa niya para makumbinsi ang sarili na walang mali sa suot niya, kailangan la