"May problema ba Athena?" Tanong niya sa asawa nang lapitan ito sa may veranda ng kanilang silid. Napansin kasi niyang kakaiba ang kilos nito habang nagtatalik sila nito. Nag enjoy naman siya pero hindi nakaligtas sa kanya ang kakaibang kinilos ni Athena matapos ang unang pag angkin niya sa asawa. Para kasing nanlamig ito na ewan at parang hindi ito nag enjoy sa ginawa nila. Samantalang lagi naman itong submissive sa kanya sa tuwing magtatalik sila. Pakiramdam tuloy niya hindi niya napaligaya ang asawa ngayong gabi. Naisip niyang baka napagod lang ito dahil madaling araw na nga silang nakauwi galing sa bar. Hindi naman ito nalasing o ano para sumama ang pakiramdam nito, hindi naman kasi ito uminom ni isang baso ng alak kanina sa bar. Humanga nga siya kay Athena nang sabihin nitong hindi i