Austin-16

1005 Words

Pinirmahan niya ang lahat ng papeles na inilabas ng abogado ni Austin. Kahit pinaliwanag na sa kanya lahat ni Austin, pinaliwanag pa rin muli ng abogado nito sa kanya ang lahat ng pinirmahan niya. Makailang beses nga nitonv sinabi na peke ang kasal nila, kaya wala siyang karapatang maghabol kay Austin pag natapos na ang kanilang kontrata. Wala siyang balak maghabol. Ang mahalaga sa kanya eh patuloy pa rin ang trabaho ng mga taga asyenda. Iyon lang at wala siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa kanya matapos ang isang taon. Matapos magkapirmahan niyaya naman siya ni Austin na magtungo sa mall para bumili ng mga kailangan niyang para sa kasal nila mamaya. Hindi na siya tumanggi pa dahil kailangan naman niya ng magandang damit para sa kanyang kasal. Wala naman kasi siyang maayos-ayos na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD